header image
 

MATATAPOS DIN ANG BANGUNGOT

Ang sakit na nagmumula sa tinik na itinarak sa puso at nagpapabagal dito ay unti-unting lumalalim at lalong nagpapadilim ng aking kapaligiran. Ang mga dahon sa puno ay unti-unti na ring natutuyo at nahuhulog. Ang malakas na hangin ay nagdala sa mga buhangin sa mas malayong lugar at kung saan man ay hindi ko tiyak. Ang lumang orasan sa lamesa sa tabi ng aking kama ay nauubusan na ng lakas. Ang katahimikan ng paligid ay nakapagpatulog sa akin. Nahimbing ako sa malalim na pagkakatulog at hindi ko alam kung magigising pa ako. Naglakbay ako sa aking panaginip at hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa kasalukuyan. Ngunit nakulong man ako sa aking panaginip ay dala-dala ko pa rin ang aking masasayang alaala ng nakalipas na pagkakaibigan at pagmamahalan. Natapos man ang mga iyon, pagkalipas ng panahon ay muli akong magbabalik upang bumuo ng bagong pagkakaibigan, pagmamahalan at bagong alaala.

Nais

Tulad ng isang saranggola sa himpapawid

Nais kong lumipad sa kalangitan

Damhin ang aking kalayaan

Na sana’y walang hangganan

 

Tulad ng isang ibon sa puno

Nais kong awitin ang awit ng aking buhay

May saya at lungkot

Wakes ay hindi matiyak

 

At tulad ng hapong ito

Na sana’y walang katapusan

Nais kong humalakhak

Kahit puno ng kasinungalingan

Tears

Stop! I don’t need your mercy,

For I can stand on my own.

Don’t ask if I’m okay,

For I will be alright soon.

I don’t need you beside,

For I can find someone better.

Leave me alone,

Cause I can manage myself.

Just let me cry for the very last time,

And I’ll be happy then.

The ocean in my eyes will dry,

And I’ll forget about you.

Isang Bukas na Liham

Disyembre 29, 1896

 

Mahal Kong Rizal,

 

            Kamusta ka na? Mahigit isang taon na rin ang nakalilipas mula noong huli tayong magkita. Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Napakasaya ko. Naaalala mo ba? ‘Yon ang araw na unang dumampi ang iyong mapulang labi sa aking malambot na labi. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ‘yon. Pero hindi na ako umaasa pa na ganoon ka din. Alam ko naman na may bago ka na. Alam ko din na hindi mo ako talaga minahal. Tanggap ko na iyon. Hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Ang tanging pinagsisisihan ko lang ay nagkulang ako sa’yo. Hindi ko naipakita na mahal na mahal kita. Ngunit wala na akong magagawa pa. Hindi ko na mababago pa ang mga nangyari. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maging masaya. Alam ko na masaya ka na sa piling niya kaya dapat maging masaya na rin ako dahil masaya na ang mahal ko. ‘Yon naman talaga ang dapat kong gawin di ba? Pero ang totoo, sa kaloob-looban ko, labis akong nasasaktan. Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko. Mahal na mahal pa rin kita. Baliw na baliw ako sa’yo.

            Miss na miss kita. Labis-labis ang aking pananabik na muli kang masilayan. Sana’y dumating na ang araw na ‘yon , mahal ko.

            Hanggang dito na lang. Sana ay mabasa mo itong sulat ko.

 

Nagmamahal,

                                                            Sisa

Karma

Sa kaibuturan ng aking puso,

May damdaming pilit pinipigilan,

Damdaming kaytagal nang itinatago,

‘Pagkat puso’y takot sa kabiguan.

 

Araw at buwan ay nagdaan,

Pag-ibig sa iba’y pilit ibinaling,

Kaligayahang tila walang hanggan,

Unti-unting nawalan ng ning-ning.

 

Puso’y nasugatan, muling nasaktan,

Sa pag-ibig na ipinagpilitan,

Ako ngayon ay pinarurusahan

‘Pagkat karma ako’y tinamaan.

Pagtatakipsilim

Lumba’y ko’y labis-labis,

Puso’y lubhang nahahapis.

Diwa ko’y naglalakbay sa lalim ng karagatan,

Hinahanap ang mga kasagutan sa mga katanungan.

 

Di mawari ang nararamdaman,

Ng puso kong nagugulumihanan.

At tuluyang nahulog sa bangin ng kawalan,

Ang puso kong tila napag-iwanan.

 

Bakit nga ba nagkanito,

Ang dati kong makulay na mundo?

Ako nga ba’y kabilang pa sa inyong paraiso,

O muling nag-iisa sa aking magulong mundo.

MISSING YOU OR LOVING YOU STILL?

His eyes are like diamonds

Shimmering with the brightness of the sun

Glowing in the darkness of the night

Making me shine through my dull moments

 

His shoulder is like a pillow

That makes me feel bouncing like a ball

So soft, so smooth

Making me feel comfortable when leaning on his shoulder

 

His complexion is slightly dark

Thus, still shining in the night

Like the stars in the beautiful, evening sky

That makes me shine above all when with him

 

He’s not quite tall

But he stands above them all

As if he’s the tallest

That’s why he is the king of my heart

 

Nah! How could I say all these things?

Though I never see him since that special day

Is it because I miss him so much?

Or maybe because I still love him.

COPYING…

 

 

 

 

Help me and give me the final answer

Let me copy your solutions

And give me the depth in number nine

Capitalize the meaning of volume

And give the answers for the unknowns

Give me more chance to copy

Ill stretch my neck

Please, show me your answers

Coz I forgot how to get the slope

Gosh! Theres no more time

Teng! Teng! Teng! Its over

DREAMS OF MINE…

You add reasons for me to live,

And you subtract the pain someone left behind.

You multiply the happy memories,

And divide the memories of hatred in the past.

 

Graph in your heart the equation of my love,

With our ordered pair of love.

You can undefined the quantity of my love,

Because my love is an arrow that never ends.

  

I hope our love is a circle,

That goes on and on and never ends.

But Im afraid to think

That someday well experience a love triangle.

 

I know Im in the right angle of your love,

That is enough to cast that fears.

But theres one more thing Id fear about,

Thats the truth that these are just dreams of mine.

MATHEMATICS OF LOVE

From the bottom of my least common denominator,

I made a survey from east to west,

And from north to south,

With the aid of statistics.

I found your structural body very magnetic,

And the gravitational force of your body

Had attracted the horizontal axis,

And the vertical axis of my body.

And the identity of my heart trapped

Under the square root of your imaginary heart.

Every time you glance at me,

You raise me to the highest,

And bring me to 100°C temperature.

Your elliptical and parabolic eyes,

Your chronicle dimple, I love to see,

Your isometrically constructed body, I long to embrace.

You extracted my radical and equated me to constant.

I love you from minima to maxima,

From zero to infinity,

A love without any limit,

For my heart approaches to infinity,

And you’re the derivative of my ambition…